Wednesday, December 9, 2009

TEN PRACTICAL LAWS

10 Practical Laws
  1. Law of Changing Lanes: If you change lanes, the one you have left will start to move faster than the one you are in now.
  2. Law of Mechanical Repair: After your hands become coated with grease, your nose will begin to itch.
  3. Law of the Workshop: Any tool, when dropped, will roll to the least accessible corner.
  4. Law of the Alibi: If you tell the boss you were late for work because you had a flat tire, the next morning you will have a flat tire.
  5. Law of the Bathroom: When the body is immersed in water, the telephone rings.
  6. Law of Encounters: The probability of meeting someone you know increases when you are with someone you don't want to be seen with.
  7. Law of the Result: When you try to prove to someone that a machine won't work, it will!
  8. Law of Biomechanics: The severity of the itch is inversely proportional to the reach.
  9. Law of the Theatre:People with the seats at the furthest from the aisle arrive last.
  10. Law of Coffee: As soon as you sit down for a cup of hot coffee, your boss will ask you to do something which will last until the coffee is cold.

Anonymous

AN GITARISTA

Ang Gitarista

Dayaw an bulan
Sa piliw san tulay

Naggurubtik an kwerdas
San beterano na kaskas

An tunog na hinuring
Siniyak san hangin

Nakidungan ang salug
Sa pagtapo sa balud

An mga namalaralabay
Naghiyumhiyom.. na-ogmahan…

Pero wara na…wara na.
An tugtog san gitarista

An aldaw san melodiya san kanta
Sa isip ko…dumdon ko pa.

nfg -28 nov 09
dedicated to my classmate & best friend, Jonathan G. Ortiz

Tuesday, December 8, 2009

SAMMY BELLEZA & ALMA FULLA FAMILY


Batch 88 Couple
Sammy & Alma (Fulla) Belleza

Sammy Belleza & Kids

TULA NG MAKATA

TULA NG MAKATA


Namutawi sa pluma
Ang tilamsik ng tinta.

Sa papel na parihaba
Pumatak ang dalisay na luha

Pumahimpapawid ang bagwis
Ng damdaming nakapiit.

Ang diwa’y naglakbay
Sa laot ng walang hanggan.

Sa bukal ng putik , sinasala
Mga ginintuang kataga.

Sa pangusap ng taludtod
Sa damdami’y nanunuot…
Sa puso’y humahaplos…


-noelfg
26 aug 08



Dedicated to Mrs. L. Frayna
Filipino Teacher. BUCES
Adviser, “The Current Newsletter”

GURO
















GURO

“Mapapalad ang mga teacher, kasi room nila ay class.”

Mistulang ‘sang tanglaw, bituin sa langit
Sinundan ng mago, no’ng gabing tahimik
Bundok ng tagumpay, mahirap, matarik
Sa wastong kong gabay ito’y napapanhik

Mga bobo’ t mangmang, ginawa kong pantas
Hiwaga ng agham ay aking tinuklas
Aking sinaliksik ang aral ng lumipas
At karununga’y aking pinalaganap.

Butil ng aking pawis ang kaunlaran
Lansangan at tulay na yari sa bakal
Pagsisid ng dagat, pagpanhik ng buwan
Pagnaog sa lupa.. gintong natuklasan!

Pinagyaman ko ang gintong pamana
Ng kasaysayan sa bawat pahina
Ang mayamang nating tradisyo’t kultura
Sandaigdiga’y aking pinakilala

At aking hinubog ang talinong -angkin
Sa larangan ng pag-awit at likhang sining
Pinaghusay ko ang mga tinig-anghel
Paglilok sa marmol, paghawak ng pinsel.

Ako’y guro- alagad ng edukasyon
Katabi'y pisara sa buong maghapon
Tinuring man bayani ng lantang dahon
Ngunit sa pusong inukit ng panahon.


noelfg

dedicated to
my first mentor, Grade 2 teacher,
Kab Scout Masterrand mother.
Ms. Fe F. Galpo
(Aug. 1, 1930-Jan. 21, 2010)